 |
|
Tuesday, December 06, 2005
Posted at 09:04 pm by alps
Permalink
Tuesday, November 15, 2005
9.25.2k5
muli ko na namang naamoy ang pabango niya mula sa kwarto. nanonood ako ng tv nun, pero naagaw ng matapang ngunit mabangong amoy ang aking atensyon. ilang buwan ko na rin sigurong nakalimutan ang amoy na iyon. ilang buwan na rin niya siguro itong hindi nagagamit. ilang buwan na rin siguro siyang hindi pumuporma at lumalabas ng bahay, at sa palagay ko'y nami-miss niya na ang paglabas at pagpasyal.
hindi naman ganyan ang buhay niya dati. naaalala ko, halos 'di kami nakakapagkwentuhan dahil sa sobrang abala sa trabaho at opisina. dati rin, sa kotse lang kami halos nagkakasama at nagkakausap... mga 30 minutos sa isang araw. hinahatid niya kasi ako sa eskwela. gabi na rin siya halos umuuwi-- oras naman ng pagtulog ko. kinabukasan, ganun ulit.
nagpapasalamat ako sa mga sabado na dumaan sa buhay ko. salamat dahil may mga sabadong nagkakasama kami. sabado ng kasiyahan at pamamasyal. nakaka-relaks. at least hindi lang 30 minutos ang pag-uusap namin.
darating na naman ang lunes. eskwela para sa akin, opisina para sa kanya. baka hindi na naman kami magkita. wala akong pagsisisi sa mga nagdaan. hindi ko naman makokontrol yun. ngayon ko lang naiisip na marami palang mga nagdaan na pagkakataon ang nasayang. hindi namin sobrang nalubos ang panahon.
hindi naman siya masama eh. sa totoo lang, isa siya sa mga taong idol ko. ipinagmamalaki ko siya. masipag. matalino. mabuti. malinis ang puso. good provider. marami kaming naranasang hindi maibibigay ng isang ordinaryong tao na walang pagmamahal. kaya naman mahal na mahal ko siya.
parang ang bilis lang ng mga pangyayari. biglaan niyang kinailangang iwanan ang dating abalang buhay sa opisina at mamalagi na lamang sa bahay. kinailangan niyang isantabi muna ang masaganang buhay. hindi naman siya marangya, pero kinailangang tipirin ang mga anda para hindi sila maubos at masayang. kinailangan ring mag-adjust sa bagong takbo ng buhay.
mahigit isang taon na ring nangyari ito. naluluha ako minsan pag nakikita ko ang "bagong siya". alam kong hinding-hindi siya sanay sa ganitong kalagayan. alam ko ring nami-miss na niya ang dating abalang araw-araw sa buhay niya. ngayong ko lang siya ulet nakitang nakapang-lakad. slacks, sapatos, polo-shirt, shades at ang pabango niya. ngayon lang siya makakalabas ng bahay upang makita muli ang mga tao at ang paligid sa labas. naluluha ako pero hindi ako naaawa dahil may tiwala ako sa kanya. kayang-kaya niya itong mapagtagumpayan dahil buo ang loob niya at lalong higit ay buo rin ang paniniwala niya sa DIYOS, na kayang-kayang gumawa ng mga bagay na higit pa sa maisipan ng tao. buhay ang DIYOS niya. buhay ang DIYOS natin. naniniwala akong hinding-hindi niya itatakwil ang kanyang mga anak na lumalapit sa KANYA. ngayon ko naiisip na eto ang oras para magkasama kami at makapagkwentuhan ng hindi lamang 30 minutos o tuwing sabado. araw-araw, gabi-gabi, pwede kaming makapag-usap. sa ngayon siguro'y dito muna kami sa loob ng bahay, pero naniniwala akong darating ang oras na ibabalik ng PANGINOONG HESUS ang lakas niya at magagawa na niyang muli ang bagay na hindi magawa ngayon, para na rin sa ikaluluwalhati ng Pangalan ni KRISTO.
Posted at 10:16 am by alps
Permalink
Monday, September 26, 2005
gusto kong malibot ang buong pilipinas. dala ang kamera, nowtbuk, at lapis.
gusto kong makapunta sa ibang bansa. sa asya muna, dahil asya means saya. haha.
gusto kong akyatin ang lahat ng bundok sa pilipinas, para madalaw ko rin ang mga tao rito.
gusto kong makapunta sa korea. sa timog, hindi sa hilaga.
gusto kong puntahan si chenna sa china ngayong winter.
gusto kong puntahan si jao sa singapore ngayong pasko.
gusto kong dalawin ang mga kababayan natin sa hongkong. bibigyan ko sila ng libreng concert. nyak.
gusto kong mapanood ng live ang mga pinoy performers sa japan.
gusto kong makita ang petronas towers sa malaysia.
gusto kong malaman ang pagkakaiba ng thaiwan at tailand. ay mali. thailand at taiwan pala.
gusto kong makita ang saigon city sa vietnam. para ako na ang maturingang miss saigon.
gusto kong malaman kung may kamukha ba ko sa indonesia.
gusto kong malaman kung bakit naging "myanmar" ang burma, gayong mas madaling sabihin ang huli.
gusto kong maglakbay sa asya, dahil nga asya is equal to saya.
gusto ko, kaso wala akong anda.
penge akong pera.
Posted at 08:35 pm by alps
Permalink
Tuesday, September 13, 2005
disiplina lang naman ang kelangan eh
ngayon ko lang talaga na-feel na mainis sa mga kalsada ng pilipinas. pero hindi lang yun. kahit yung mga tao nakakainis rin.
ano ba tong nangyari sa araw ko? nakakatawa naman... pero asar pare. pagbaba ko ng lrt station, andami ng mga tricycle drivers ang nag-aabang ng mga pasahero sa hagdanan pa lang. kahit di ka sasakay, pag-aagawan ka parin. ang ingay. everytime may bababa ng hagdan, magsisigawan ang mga driver sweet lover. animo'y may piyesta ng kung sinong santo. asar pare. tapos makikita mo sa tabi ng kumpulan ng mga tricycle (kumpulan kase hindi sila nakapila) ang sign na "NO LOADING AND UNLOADING". ang saya diba. pipiktyuran ko yun pag may camera na ko.
hindi na ko sumasakay ng trike pagbaba ng station.. nilalakad ko na lang hanggang sa amin. nakakainis yung mga driver sweet lover kase sila pa yung may lakas ng loob na sigawan ako pag patawid na ko, eh sila naman yung nanggagaling sa kung saan saan. remember, wala silang pilahang sinusundan. kumpulan sila at sinasalubong nila yung lane. HELOW, MGA KUYA MANONG?! sana naman po magkaron tayo ng disiplina jan.
pati yung mga TAMBUCHO ng mga sasakyan. lalo na yung sa mga jipni, traysikel, BUS, fx, trak... lahat na. may pangarap ako sa mga magiging anak ko. kelan kaya magiging maayos ang pinas? sana bago ako magkaron ng pamilya at mga anak. gusto ko kasi silang mabuhay ng maayos. dun sa malinis at maayos na lugar, kung saan ay alam ng mga tao kung pano mabuhay sa DISIPLINA.
DISIPLINA. DISIPLINA. DISIPLINA. mahirap ba siyang ispelingin? di naman ah, kung may disiplina ka. eto ang kulang sa buhay ng mga pilipino. naniniwala akong magiging maayos ang mundo kung may disiplina. kahit hindi ka man tapos sa pag-aaral, o wala ka mang narating, basta alam mo kung pano ginagamit ang disiplina, daig mo pa ang isang may pinag-aralang wala nito. kahit sa mga malilit na bagay pwede namang gawin to ah.
eksampol na lang yung pagtawid. di ko lang alam kung tinuruan ba ng mga magulang nila ang mga taong basta-basta na lang humaharurot sa pagtawid sa mga daanan kahit na hindi pa pwedeng tumawid. natatandaan ko kase nung mga 6 yrs old pa ko, pinasyal ako ng nanay at tatay ko sa kanto. tinuruan nila ko kung pano tumawid ng tama. dapat daw maglalakad ka sa tamang tawiran, tapos hihintayin mo kapag nakita mo ng umilaw yung green na tao. ganun. if ever namang hindi gumagana ang traffic sign na yun, kumuha ka na ng telepono at i-report mo sa gobyerno. ay mali, hindi pala. pag hindi gumagana yun, edi hintayin mo na lang na mag-red ang traffic sign ng linya ng pagtatawiran mo. MAHIRAP BA YUN? eh yung mga pinoy, kahit di pa naka-red yung sign ng pagtatawiran nagtatakbuhan na para tumawid, makita lang na malalayo pa ang kotse. siguro sumisigaw pa sila sa utak nila ng "RUN FOR YOUR LIVES!!"... tapos pag nabusinahan naman ng kotse or kamuntikan ng mabangga, ang lakas pa ng loob na manduro sa driver ng kotse, sabay sabi ng "HOY, IKAW @#$*&@$!!!!"... o diba. astig. wala kasing disiplina sa paghihitay. bakit, pag naghintay ka ba ng tamang oras sa pagtawid, mamamatay ka? kapag naging patient ka ba sa paghihintay masusunog ka ba? o are you gonna be stoned to death? di naman di ba.
mga pinoy talaga nagmamadali. sana lang kung may patutunguhan ng maayos yun. sa pagtawid, nagmamadali. sa pagkita ng pera, nagmamadali parin. kaya tuloy andami-daming sari-sari stores nationwide. o sige, mag game tayo. paramihan ng sari-sari store sa baranggay. go.
naalala ko tuloy, may pinuntahan kaming isang lugar malapit sa amin. dito dito lang. naglakad lang kami ng about 10-12 minutes. mahigit limampu (50) sari-sari stores ang nakita namin. yung iba, magkakatabi pa!
BIBILI: "ale, dalawang packs ng paminta nga po.."
TINDAHAN 1: "(naghanap...) ay, sandali lang ha. oy mare, may paminta ka ba diyan?!"
TINDAHAN 2: "mare meron, bakit?"
TINDAHAN 1: "pagbilan ngang dalawa, wala na kase akong stocks dito eh"
TINDAHAN 2: "o sige, eto.. wan pipti ang isa."
TINDAHAN 1: "okey, eto ang tatlong piso. salamat ha..."
BIBILI: "ale magkano po?"
TINDAHAN 1: "o etong paminta mo. dos isa."
ganun siguro ang almost-everyday-situation nila sa pagtitinda. at least diba, magkakatabi sila ng tindahan, bigayan na lang. im just wondering kung pano yung kompitensya nila dun. mala cut-throat competition kaya?
ilan lang to sa mga problema ng pilipinas. i hope makasulat ako ng libro soon. kahit naman masaklap dito, di ko pa rin siya iwanan. i believe even one person can start to make a difference. sige, tama na. bka mainis ka na sakin.
Posted at 07:47 pm by alps
Permalink
Tuesday, August 30, 2005
oh men. this is terrible. ive been hooked into watching the television lately.. sounds ordinary diba? but what is so exceptional is the show that ive been into. guess what.. naaaliw ako sa awayan ng dalawang "religious" groups.. Iglesia ni Cristo (INC) VS. Ang Dating Daan (ADD)..
no offense sa dalawang grupo na to, pero i think they are just wasting their time debating and cutting each other's throat sa mga bagay na hindi ko lang sure kung nalalaman o naiintindihan ba nila. i cant understand them. it seems that they piss each other off, masyadong pinapansin yung mali ng kabilang grupo.. im not saying na hindi tama ang pumuna ng kamalian, if ever, pero POR PABOR, bago naman tayo mamuna ng kamalian ng iba, tignan muna natin yung mga dapat baguhin natin. these two groups have been debating for years and i dont think that it will help them grow. what good effect will it bring sa dalawang "religious" groups na to?? hay buhay. debate dito, debate dun. both claim that they are the "right way", the "true way".. ano ba talga gusto nilang palabasin? there is just ONE WAY.. si JESUS..
dahil avid viewer nga nila ako (naks, ginawang primetime show ang bangayan nila!), madalas kong mapanood ang mga testimonies ng dalawang groups. may mga taong nagsasalita from ADD na dating members ng INC.. sila-sila rin ang nagsisiraan.. parang nag-aagawan lang sila ng miyembro. POR PABOR, hindi paramihan ng miyembro ang issue.. then when i change channel naman, may nagte-testimony na member ng INC na dati namang taga-ADD.. ano ba talaga? to tell you guys, hindi naman religion ang mahalaga eh.. what is important is yung RELATIONSHIP mo kay JESUS CHRIST.. kung kilala mo ba Siya at kung kilala ka ba niya.
oo nga, you are trying to be knowledgeable about the whole bible... you've read it from cover to cover for a hundred times.. kabisado mo lahat ng verses.. kabisado mo pages ng bibile mo.. pero if you do not know who CHRIST is----> bale wala ka kaibigan. makipag-debate ka man kahit kanino, manalo ka man sa lahat ng ka-debate mo, maging ikaw man ang pinakamatalinong tao about the bible... you are good for nothing kung hindi mo ito alam by HEART. kung puro talino lang, im sorry but you're just a PRETENDER.. but im not saying that we should not read the bible na.. we should just remember that we should know our bible by heart..
siguro ang pinakamasakit na pwedeng mangyari is yung nakikipag-debate ka sa mga tao about the bible.. about JESUS.. about GOD.. tapos palagi kang nananalo.. tapos yung mga tao super elibs na elibs na sayo.. ang saklap nun kase parang napupunta na sayo yung GLORY na dapat ay kay LORD..
tapos pag namatay ka, haharap ka sa Diyos, sasabihin mo: "Panginoon, ako po yung lingkod ninyo na nanalo sa mga debate.. alam na alam ko po yung bibliya.. kabisado ko po yung mga salita niyo.. nangaral po ako sa mga tao..."
tapos isasagot sayo ni Lord, "pasensya ka na pero di kita kilala.."
Posted at 01:02 am by alps
Permalink
Sunday, August 28, 2005
wahaha! kay tagal ko na palang di nakapag-post.. baaaah! i've been busy lately.. haay.. nakkapagod i should say, pero worth it naman! our youth group sa church had a concert last night, aug27... thanks sa mga nanonood... grabe, TO GOD BE THE GLORY!! i admit na im one of those people who really doubted that this concert's not gonna push through kagabi.. i was really in doubt, and i want it postponed.. but, we really do not know how the LORD moves.. last night, He showed unto us how blessed we are.. He let us feel His presence, at walang kapantay yun..
ONE WAY lang talaga.. that is JESUS!
Posted at 11:30 pm by alps
Permalink
Sunday, July 03, 2005
ang bayan kong nililipas?
Kamusta ka na ba, Noypi? Buhay ka pa ba? Ano na ang nangyayari sa ‘yo???
Kamusta na nga ba ang bayan natin?... kamusta na rin ang mga pinoy? Humihinga pa ba tayo? Gusto ko ng itanong ito ng diretsahan…
MAHAL PA BA NG PINOY ANG KANYANG BANSANG PINAS?
Nagtatrabaho ako ngayon bilang isang titser… sa araw-araw na buhay ko’t pakikisalamuha sa mga estudyante, masasabi kong marami akong natututunan, ‘di lang tungkol sa Pinoy.. pero tungkol din sa mga Kuryano.. English and grammar teacher ako ngyon sa isang eskwelahan ng mga Kuryano.. nais ko sanang magsilbi bilang isang guro sa isang public high school, pero di naman aarok dahil wala naman akong units sa education, at hindi naman ako LET passer.. iba ang kurso ko, pero gusto ko pang mag-aral sa susunod na taon.. kaya habang wala pa namang ginagawa, trabaho muna..
Hindi lang ang mga estudyante ko ang natututo sa bawat session ng pag-aaral namin.. marahil, hindi nila alam na marami rin akong napupulot mula sa kanila.. masaya ring makihalo-bilo sa ibang kultura.. ibang experience…
mga edad 20-26 ang range ng mga estudyante ko.. bata pa rin naman sila hindi ba… pero mas bata nga lang ako.. minsan ayokong sabihin kung ilang taon na ko, kase baka ma-intimidate sila.. eh kaso tintanong pa rin nila.. oh well..
sa isang session namin, may binahagi ako sa kanilang essay na nakuha ko mula sa e-mail.. binigay ng nanay ko.. isinulat ito ng isang kabataan mula sa Korea, at patungkol ito sa bayan nila—mula sa paghihirap nila, hanggang sa pagbangon..
dati pala, naging mahirap ang bansang ito dahil sa gera.. dumating ang puntong nainggit sila sa Pinas dahil nung panahong iyon, MAYAMAN tayo.. SAGANA tsong.. gusto nilang maging kasing yaman natin.. marahil ito ay iyong panahon ni macoy..
pero ano nang nangyari? Sa tingin mo, sa panahong ngayon, nanaisin pa ba nilang magingkatulad ng bansa natin?--à SA MALAMANG, DEHINS.
mayaman na at maunlad ang bansa nila ngayon.. bakit sila nagkaganun?... ito ay dahil sa mga TAO ng bansa nila.. dahil sa mga Kuryano.. mahal kasi nila ang Korea.. nag-sakripisyo silang magtrabaho sa ibang bansa noong mga panahong iyon.. okey daw ang ganung technique sabi ng isang estudyante ko dahil nagkakaroon ng pagkakataong makilala ang mga Kuryano sa ibang bansa.. mahal nila ang kapwa-Kuryano.. hindi katulad ng pinoy, minsan, gugulangan ka pa..
kahit yung mga estudyante kong kabataan, pinaglalaban nila ang Korea.. pinagmamalaki nila ito at sinasabi nilang mahal nila ang Korea…
e pano naman tayong mga Noypi? Oo nga’t nagtatrabaho tayo sa ibang bansa, pero iligal naman.. tska minsan underemployed tayo.. yung mga college graduates, they sometimes end up being domestic helpers.. sayang naman ang edukasyon naten.. maybe it’s about time to showcase what the Filipinos got.. time to shine na.. madalas, ang mga pinoy, once na makaapak na sa ibang bayan, nagtatago na roon at hindi na muling bumabalik sa pinas.. tuluyan ng iniwan ang bansang kinagisnan.. hindi naman masamang mag-isip ng sariling kapakanan, diba? Wag nga lang sana nating kalimutan kung san tayo nanggaling…
IKAW, noypi… kelan ka ba magagamit ng PINAS? Kelan niya ba mararamdaman ang pagsisilbing nararapat para sa kanya? Kelan mo ba siya pagtutuunan ng pansin? Patuloy ka bang naghihintay ng isang tagapagligtas ng Pilipinas? Ang hinaharap ay nasa iyong mga kamay.. huwag ka ng maghintay ng agimat diyan.. hindi iyon ang kelangan mo.. naten..
--> Tinatawagan ko ang lahat ng kabataang nagmamahal sa bansa.. mag-aral tayong mabuti at magsikap para sa ating bansa.. huwag nating hahayaang ang ating BAYANG PILIPINAS ay maging isang BAYANG NILILIPAS..
Posted at 10:55 pm by alps
Permalink
Saturday, June 11, 2005
dehins pako dalawin ng antok kaya sulat na naman.. kahit kaninang ala-una pa'ko nakapikit, 'di pa rin ako makatulog.. buhay na buhay pa rin ako..
...which made me realize and think about some things.. ironic though, i can't really remember what those things are.. parang kanina lang, while my eyes were closed, andaming realizations and parang there was an on-going discussion in my mind.. kaya i thought of writing them down..
but now that i'm already writing this, wala naman akong maisip.. oh well.. paantok muna.. isip muna ng topic...
.......
..............
......................
.............................
......................................
...............................................
...............................................................
uhmm... wala pala akong maisip..
...ooohh i remember constantine from american idol.. i miss him na.. :-)
Posted at 01:26 am by alps
Permalink
Wednesday, June 08, 2005
i just remembered something.. okey to..
nung highschool ako, 3rd year to be specific, may naging crush ako..
lalaki siya shempre.. at that time, 1st year college siya and HRM yung course at my school..
we became close, and muntik na atang maging "kami".. lamu yun, text, usap sa phone and sa school.. he even told me na willing siyang maging partner ko sa JS prom..
maraming nagkaka-crush sa kanya sa school.. may mga kolehiyala at mga highschoolers.. pero kami parin yung close.. minsan he would even drop by my classroom just to wave "hello" and mangamusta.. at sige, magpa-cute na rin..
minsan nga tinatawagan niya pa ko sa cellphone kong 3210 kahit magkaharap lang kami.. pangulit niya lang yun..
kaso nung 4th year na ko, naging sikat na siya masyado sa school.. mapa-highschool or college, kilala na siya.. kulang na lang pati mga kinder at pre-schoolers magkagusto sa kanya.. isama mo pa ang mga teachers at mga madre sa school.. :-)
nwala na ko sa eksena.. hindi na kami gaanong nakakapag-usap.. lalo na nung nag-4th year nako.. hindi ko na rin siya masyado nakikita sa school...
until i saw him again sa school fair.. i visited my school ulet nun.. and that time, 1st year college na ko.. and siya naman, 3rd year college.. nagkita kami at halos dehin ko na siya nakilala..
BAKIT???
gumwapo ba siya lalo?? ------- HinDe!
nag-iba ng hairstyle?? --------- HindE rin...
tumangkad??? ------------------ Dehins din..
lumaki katawan?? -------------- deHins rin eh..
tumaba?? ----------------------- dehins pa rin tsong..
baka pumayat? ---------------- hindi pa rin..
EH BAKIT NGA?!
eh kase naka-blush on na siya.. naging rosy cheeks na, tinalo pa ko.. DINGGA na ang lolo mo.. nagulat ako nun.. mejo natatawa na hindi ko ma-explain.. mega-hi pa siya sakin nun.. kulang nalang mag-beso kami.. hahaha..
meron pang isa.. ngayong college naman.. nung 1st year ko rin sa unibersidad, may isang guy na tinutukso sakin ang mga friends ko.. well, tingin daw ng tingin sa kin nun.. wa pake naman ako.. until nabansagan namin siyang si "HD"...
halos everyday ko siyang nakikita sa skul nun.. oki naman.. minsan pansinan ng konte.. pero hindi naman talga kami close... carry lang..
days passed, wala namang pinagkaiba.. hanggang sa unti-unti kong napapansin ang kanyang paglaladlad.. nagiging maputi na ang kanyang mukha... hanggang sa lagyan na niya ito ng kolorete..
oo, isa na rin siyang kaparte ng pederasyon.. namumula na rin ang kanyang mga pisngi.. DINGGA na rin siya..
wat's wid me.. do i have a curse or something?! mukha ba kong lalaki?!
oh well... next time nga, ako na ang manliligaw para di na sila mahirapan at di na mapilitang magladlad... kasalanan ko pa yata eh.
Posted at 05:06 pm by alps
Permalink
Friday, June 03, 2005
I STILL LOVE HIM, kahit nag-iba na siya...
i almost cried when i saw him again for the first time. i knew that it was really my fault and i admit i became busy and so much preoccupied with my work, that's why matagal-tagal ko siyang 'di nakasama..
almost everyday, before i leave home for work, lagi siya yung nasa isip ko.. while walking sa street, iniisip ko kung kelan siya ulet makikitang kasa-kasama ko.. sana nga i would have the chance to spend my days with him.. lagi ko siyang naiisip.. sobrang nakakamiss kaya..
naalala ko tuloy yung college days, nung araw-araw pa kong pumapasok sa university, when we usually go to school together.. kasama ko rin siya sa pag-uwi.. grabe.. iba talaga ngayong ibang mundo na ang ginagalawan ko.. parang next to impossible na kaming maging magkasama..
payag na payag naman akong makasama siya everyday eh.. siya rin naman siguro gusto niya.. kaso may mga taong hindi pumapayag eh.. may sarili akong pagkatao.. may sariling prinsipyo.. though alam kong di naman ako dapat magpa-apekto, we must sometimes consider what others would say..
yun nga.. ilang linggo o buwan na nga yata kaming hindi nagkakasama.. until this day came.. pagkagaling ko sa work, i hurried to my room kagad to fix myself.. kakasal kase ang tita ko and gusto kong siya ang kasama.. kahit isipin man ng mga tao na hindi bagay, this time, hindi ako magpapa-apekto.. siya pa rin ang pipiliin kong isama..
i looked for him on the usual place where we would always meet.. kaso WALA. i began to think.. bakit ganun? parang ang unfair niya.. dati-rati, isang tawag lang dumarating na siya.. haay. now that i'm looking forward being with him, ngayon pa siya mawawala.. before, he was always "present".. he would even let me feel that i'm not alone.. marami-rami na rin kaming adventures.. matagal-tagal na rin ang pinagsamahan.. he was there through happiness and storm.. he was with me sa street, sa LRT, sa school, sa church, sa mall, sa gigs.. basta. name it, he's there.. i've learned to love him na nga eh..
until this day nga. i finally saw him. a tear almost fell from my eye. muntik na kong umiyak at the very thought of seeing him.. nagbago na siya.. inspite of it, siya pa rin naman ang minahal ko dati eh..
i thought naging unfair lang siya. but really, i know that there's a lesson here.. ganun pala yung feeling pag nagkita ulet kayo.. nakakaiyak..
aminin ko, nabakla ako.. di naman talga ako umiiyak sa mga ganitong bagay eh.. pero bakit ganun.. NALABHAN kasi siya.. oo, laba, as in washed..
im talkin' about my chuck taylor.. nag-iba na siya. ang linis na niya.. depite his "cleanliness", dudumihan ko pa rin siya.. i wanna wear my chucks everyday of my life. :-)
Posted at 04:11 pm by alps
Permalink
|
|
|
|
 |
|
|
ako si alps
pano maging si alps?
dapat mahal mo ang kulay
GREEN
dapat mahal mo ang mga cheeseburgers.
dapat mahal mo ang chucks. everyday shoes 'to. kahit naka-formal sa skul, or ojt. masaya to.
dapat mahal mo ang musika.
dapat mahal mo si
JESUS
tsaka dapat kulot ka at malupet ngumiti
pero everyone is unique eh.. isa lang si alps.
|
|
|
 |