-==fatal princess==- i don't want to fall asleep 'coz i'm afraid not to be with you in my dreams.. you don't seem to see me.. am i invisible?.. you don't seem to understand.. is it unfathomable?.. why would you always leave me and let me walk my way into the fading night?


Sunday, May 22, 2005
ano nga ba talga apol?

kasalukuyan akong gumagawa ng panibagong resume.

day-off ko kase bukas sa kasalukuyan kong trabaho.. sa totoo lang kelangan namin bumalik sa store ngayong gabi, after ng closing, kase mag-me-mega linis chuva ever chenelin daw, para sa darating na store review. naisin ko mang bumalik, dehin na ko pinayagan ng aking ama na lumayas pa ng bahay dahil gabi na, at alaws ang utol ko para maghatid sa akin doon. tapos late pa matatapos ang linisan chuva ever chenelin kaya wala ring susundo sa akin doon.

pero dats not the point.

i dont know how to deliver my message pero i'll try my very best.

marami akong naiisip pag naliligo ako. gets mo? di ko nga rin maintindihan, pero ang daming realizations, ideas, point-of-views, at kung anu-ano pa, ang pumapasok sa isip ko tuwing nasa banyo ako't naliligo. yun yata ang tinatawag na hiwaga ng tubig. watever.

isang umaga, habang naliligo ako at mag-aayos patungong trabaho, may mga naisip na naman ako. weird to pero makisakay ka na lang.

pinoy ako. pinoy siya. pinoy ka. pinoy tayong lahat na pinanganak sa pilipinas.

pinoy ako. pinoy siya. pinoy ka. pinoy lahat ng taong anak nila lapu-lapu, jose rizal, at andres bonifacio.

pinoy ako. pinoy ang nanay at tatay ko. pinoy akong nakatira sa mahal kong pilipinas.

namulat ang pag-iisip ko na magsilbi sa pilipinas noong hayskul palang ako. pero hindi naman ibig sabihin nito'y papasukin ko ang mundo ng pagsusundalo. naisip ko lang na sa paglaki ko, hindi ko iiwanan ang bansa ko. pagsisilbihan ko siya. dito ko ibubuhos ang talino ko. dito ko ipagmamalaki ang talento ko. dito ako mabubuhay. dito rin ako mamamatay.

msarap isipin na uunlad ang pinas kung karamihan sa ati'y ganyan ang iniisip. ganyan ang nararamdaman. ganyan ang pagnanasa. pero hindi naman natin maikakailang marami ng propesyonal ang nangingibang bansa para lang kumita. nawawalan na tuloy ng mga filipino professionals tulad ng doktor, nars, engineers, computer people, atbp.

sa akin naman, hindi nga ako nangibang bansa. hindi nga ako nagtatrabaho sa ibang mundo. andito ako sa pinas. andito ako sa bayan ko. pero.... nagtatrabaho naman ako sa isang american-based company, kung saa'y less priority ang pagiging pinoy. kung saa'y nagsisilbi ka halos sa mga dugong banyaga.

eksaherado ba? ewan ko. naisip ko lang na meron namang mga local-based firms diba...

balik sa paggawa ng resume.

Posted at 10:15 pm by alps

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry
 

ako si alps



pano maging si alps?

dapat mahal mo ang kulay GREEN



dapat mahal mo ang mga cheeseburgers.



dapat mahal mo ang chucks. everyday shoes 'to. kahit naka-formal sa skul, or ojt. masaya to.




dapat mahal mo ang musika.


dapat mahal mo si JESUS


tsaka dapat kulot ka at malupet ngumiti



pero everyone is unique eh.. isa lang si alps.


   





 
<< May 2005 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31






 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed