-==fatal princess==- i don't want to fall asleep 'coz i'm afraid not to be with you in my dreams.. you don't seem to see me.. am i invisible?.. you don't seem to understand.. is it unfathomable?.. why would you always leave me and let me walk my way into the fading night?


Tuesday, November 15, 2005
muli

9.25.2k5

   muli ko na namang naamoy ang pabango niya mula sa kwarto. nanonood ako ng tv nun, pero naagaw ng matapang ngunit mabangong amoy ang aking atensyon. ilang buwan ko na rin sigurong nakalimutan ang amoy na iyon. ilang buwan na rin niya siguro itong hindi nagagamit.  ilang buwan na rin siguro siyang hindi pumuporma at lumalabas ng bahay, at sa palagay ko'y nami-miss niya na ang paglabas at pagpasyal.

   hindi naman ganyan ang buhay niya dati. naaalala ko, halos 'di kami nakakapagkwentuhan dahil sa sobrang abala sa trabaho at opisina. dati rin, sa kotse lang kami halos nagkakasama at nagkakausap... mga 30 minutos sa isang araw. hinahatid niya kasi ako sa eskwela. gabi na rin siya halos umuuwi-- oras naman ng pagtulog ko. kinabukasan, ganun ulit.

   nagpapasalamat ako sa mga sabado na dumaan sa buhay ko. salamat dahil may mga sabadong nagkakasama kami. sabado ng  kasiyahan at pamamasyal. nakaka-relaks. at least hindi lang 30 minutos ang pag-uusap namin.

   darating na naman ang lunes. eskwela para sa akin, opisina para sa kanya. baka hindi na naman kami magkita. wala akong pagsisisi sa mga nagdaan. hindi ko naman makokontrol yun. ngayon ko lang naiisip na marami palang mga nagdaan na pagkakataon ang nasayang. hindi namin sobrang nalubos ang panahon.
   
   hindi naman siya masama eh. sa totoo lang, isa siya sa mga taong idol ko. ipinagmamalaki ko siya. masipag. matalino. mabuti. malinis ang puso. good provider. marami kaming naranasang hindi maibibigay ng isang ordinaryong tao na walang pagmamahal. kaya naman mahal na mahal ko siya.

   parang ang bilis lang ng mga pangyayari. biglaan niyang kinailangang iwanan ang dating abalang buhay sa opisina at mamalagi na lamang sa bahay. kinailangan niyang isantabi muna ang masaganang buhay. hindi naman siya marangya, pero kinailangang tipirin ang mga anda para hindi sila maubos at masayang. kinailangan ring mag-adjust sa bagong takbo ng buhay.

   mahigit isang taon na ring nangyari ito. naluluha ako minsan pag nakikita ko ang "bagong siya". alam kong hinding-hindi siya sanay sa ganitong kalagayan. alam ko ring nami-miss na niya ang dating abalang araw-araw sa buhay niya. ngayong ko lang siya ulet nakitang nakapang-lakad. slacks, sapatos, polo-shirt, shades at ang pabango niya. ngayon lang siya makakalabas ng bahay upang makita muli ang mga tao at ang paligid sa labas. naluluha ako pero hindi ako naaawa dahil may tiwala ako sa kanya. kayang-kaya niya itong mapagtagumpayan dahil buo ang loob niya at lalong higit ay buo rin ang paniniwala niya sa DIYOS, na kayang-kayang gumawa ng mga bagay na higit pa sa maisipan ng tao. buhay ang DIYOS niya. buhay ang DIYOS natin. naniniwala akong hinding-hindi niya itatakwil ang kanyang mga anak na lumalapit sa KANYA. ngayon ko naiisip na eto ang oras para magkasama kami at makapagkwentuhan ng hindi lamang 30 minutos o tuwing sabado. araw-araw, gabi-gabi, pwede kaming makapag-usap. sa ngayon siguro'y dito muna kami sa loob ng bahay, pero naniniwala akong darating ang oras na ibabalik ng PANGINOONG HESUS ang lakas niya at magagawa na niyang muli ang bagay na hindi magawa ngayon, para na rin sa ikaluluwalhati ng Pangalan ni KRISTO.

Posted at 10:16 am by alps

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry
 

ako si alps



pano maging si alps?

dapat mahal mo ang kulay GREEN



dapat mahal mo ang mga cheeseburgers.



dapat mahal mo ang chucks. everyday shoes 'to. kahit naka-formal sa skul, or ojt. masaya to.




dapat mahal mo ang musika.


dapat mahal mo si JESUS


tsaka dapat kulot ka at malupet ngumiti



pero everyone is unique eh.. isa lang si alps.


   





 
<< November 2005 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30






 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed