-==fatal princess==- i don't want to fall asleep 'coz i'm afraid not to be with you in my dreams.. you don't seem to see me.. am i invisible?.. you don't seem to understand.. is it unfathomable?.. why would you always leave me and let me walk my way into the fading night?


Wednesday, June 01, 2005
the Lord moves in ways men cannot fathom

i wrote this last May 27, 2005 @mcdo robplace...


i am alone at this very moment.. and pag mag-isa ako and walang gaanong ginagwa, maraming pumapasok sa isip ko.. nagmumuni-muni ako. nagtatanong. nag-a-analyze ng mga bagay.

ano nga bang naging agenda ng utak ko today? marami rin. iniisip ko, kung bakit minsan, kahit binigay mo na yung buong tiwala mo sa Diyos tungkol sa isang bagay, iba pa rin yung nangyayari.. iniisip ko tuloy na baka nagkulang ako sa pagtitiwala sa Kanya. pero yun pala, may ibang mas magandang plano ang Diyos para sa atin, and i hope you'll agree with me..

for the past few months, naging magulo ang isip ko.. madami akong gustong gawin. marami akong mga pangarap na gustong maabot.  gusto ko ring pagsabay-sabaying gawin lahat yun, pero hindi naman aarok..

bata pa'ko.. pero sa dami ng gusto kong gawin, di ko alam kung pano ko lahat magagawa yun. feeling ko, sobrang kulang ang panahon. that's why i have to use it wisely.

naisip ko tuloy yung mga kaibigan kong nagkapamilya na kagad sa murang edad. pano pa kaya sila? pano kaya nila napamuhay yung mga pangarap nila? naging sapat pa kaya ang panahon?

mabalik tayo. sa dami ng mga pangarap ko, ayokong magsayang ng panahon.  gusto kong i-maximize lahat ng pagkakataon.  ayokong tumanada ng walang achievements.. hindi lang dahil nakakahiya sa mga kasabayan mo, pero mas nakakahiya ito sa SARILI.

may isang bagay akong gustong-gustong gawin. pinagdasal ko ito at buong pusong naniwalang makakamit ito. kaso di pa yata right time.. sobrang nalungkot ako.. baka may iba pang plan si God..

i believe in the Lord as well as His great plans for me. i would just have to wait for the right time.

sana ikaw din. try relying on God. kahit anong bigo or frusration man yan, He's always there to be your comfort.

Posted at 03:33 pm by alps
chikiding na dadapo sa sanga.  




Sunday, May 22, 2005
ano nga ba talga apol?

kasalukuyan akong gumagawa ng panibagong resume.

day-off ko kase bukas sa kasalukuyan kong trabaho.. sa totoo lang kelangan namin bumalik sa store ngayong gabi, after ng closing, kase mag-me-mega linis chuva ever chenelin daw, para sa darating na store review. naisin ko mang bumalik, dehin na ko pinayagan ng aking ama na lumayas pa ng bahay dahil gabi na, at alaws ang utol ko para maghatid sa akin doon. tapos late pa matatapos ang linisan chuva ever chenelin kaya wala ring susundo sa akin doon.

pero dats not the point.

i dont know how to deliver my message pero i'll try my very best.

marami akong naiisip pag naliligo ako. gets mo? di ko nga rin maintindihan, pero ang daming realizations, ideas, point-of-views, at kung anu-ano pa, ang pumapasok sa isip ko tuwing nasa banyo ako't naliligo. yun yata ang tinatawag na hiwaga ng tubig. watever.

isang umaga, habang naliligo ako at mag-aayos patungong trabaho, may mga naisip na naman ako. weird to pero makisakay ka na lang.

pinoy ako. pinoy siya. pinoy ka. pinoy tayong lahat na pinanganak sa pilipinas.

pinoy ako. pinoy siya. pinoy ka. pinoy lahat ng taong anak nila lapu-lapu, jose rizal, at andres bonifacio.

pinoy ako. pinoy ang nanay at tatay ko. pinoy akong nakatira sa mahal kong pilipinas.

namulat ang pag-iisip ko na magsilbi sa pilipinas noong hayskul palang ako. pero hindi naman ibig sabihin nito'y papasukin ko ang mundo ng pagsusundalo. naisip ko lang na sa paglaki ko, hindi ko iiwanan ang bansa ko. pagsisilbihan ko siya. dito ko ibubuhos ang talino ko. dito ko ipagmamalaki ang talento ko. dito ako mabubuhay. dito rin ako mamamatay.

msarap isipin na uunlad ang pinas kung karamihan sa ati'y ganyan ang iniisip. ganyan ang nararamdaman. ganyan ang pagnanasa. pero hindi naman natin maikakailang marami ng propesyonal ang nangingibang bansa para lang kumita. nawawalan na tuloy ng mga filipino professionals tulad ng doktor, nars, engineers, computer people, atbp.

sa akin naman, hindi nga ako nangibang bansa. hindi nga ako nagtatrabaho sa ibang mundo. andito ako sa pinas. andito ako sa bayan ko. pero.... nagtatrabaho naman ako sa isang american-based company, kung saa'y less priority ang pagiging pinoy. kung saa'y nagsisilbi ka halos sa mga dugong banyaga.

eksaherado ba? ewan ko. naisip ko lang na meron namang mga local-based firms diba...

balik sa paggawa ng resume.

Posted at 10:15 pm by alps
chikiding na dadapo sa sanga.  




Sunday, May 15, 2005
la lang ulet..

went to rob place this afternoon. la naman trabaho, just wanted to watch a movie with my movie buddy, chenna.. haha..

nagkita kame about 12 na rin at pedro gil station. muntik pa ngan di matuloy ang movie namen. i was looking forward pa naman manood. in fairness natuloy kami. we watched in good company. nice movie i can say. worth it. nice pair din yung guy and yung girl. not bad. haay.

after we watched, chenna bought a pair of pants na sinuot niya din kagad. i wont tell why. haha. then she had to rush papuntang la salle, may class pa kase siya. i was influencing her not to attend class nga eh. haha! bad ako.

so ako na lang mag-isa naiwan sa rob. i dropped by the store, sa fridays, tapos tambay muna sandali. it was 3:30 na yata. yoko pa umuwi and i was planning to watch another movie, and this time, by myself naman. pangarap ko yun. and i did. haha. cool experience rin. yun nga lang, it was a romantic one. so mukha akong abnoy, kinikilig mag-isa. haha. in this week alone, naka tatlong movies ako. halimaw.

after the movie, i dropped by the store na naman, tapos nagyaya sila sir roy and ate aya mag-greenhills.. it was about 6pm na. go naman kame. we took a cab. kaso mo, di pa nakakalampas ng pedro gil ang sitak, sumuko nang ihatid kame. palipatin daw ba ng ibang taxi. so change of plans na lang. we ate na lang at the pit, then diretso providence. imagine, in my whole 3 years at la salle never kong na-experience mag videoke sa prov. haha. puro kain lang ako dun. hayun. nagkaron katuparan ulet pangarap ko. nakakanta na ko sa prov. san ka pa.

Posted at 01:22 am by alps
chikiding na dadapo sa sanga.  

akala mo minsan yun na, pero di pala.. :'(

AKALA MO MINSAN YUN NA, PERO DI PALA...

maraming beses na rin tong nangyari sa kin.. yung tipong akala ko abot kamay ko na yung pangarap ko--> yung gusto ko.. pero yun pala, nananatili pa rin itong suntok sa buwan para sakin.  madalas natutuwa nako at nananabik maabot yung bagay na yun, sabay ipapahiya ako.. sablay tsong.

di na bago sakin to. sobrang daming beses na tong nangyari sakin. bakit ganun? hirap talgang pagkatiwalaan ng tao. AKALA MO MINSAN YUN NA, PERO DI PALA. paasahin daw ba pare?! asar noh? bad trip.

minsan, kaasar din ang sarili. bakit ka pumapayag na ganunin ka? bakit ka nagpapaloko? bad trip talga noh? ang sarili talaga, minsan mahirap mpagsabihan. mahirap gisingin sa katotohanan. kase minsan naiisip natin, "well, siguro naman nothing bad's gonna happen next.." hay nako. whatever. kapag na-hurt ka na, iisipin mo, "haaay.. i should have said this, i should have said that.." or "i should have done this, i should have done that.." hay nako. nasa huli talga ang pagsisisi. abnoy ka pag pinagsisihan mo yung di pa nangyayari.

hay nako. i cant really believe im writing this entry. eeew. parang very unlikely of alps. haha. i dunno.

like sa mga relationships with people. (im not saying "intimate relationship" with the opposite sex ha...) pang-general to, kahit opp sex pa siya. kala mo click kayo. kala mo jive. yun pala, dehin tsong. naiwan kang umaasa. diba masakit yun?

oo nasaktan ka. eh ang tanong: kamusta naman yung isang tao sa relationship na nabuwag? nasaktan rin ba siya? malamang. oo. may possibility. unless manhid siya at talgang sinadya yung ginawa niya. yung tipong walang keber for a while, tapos sabay may surpresa siya sayo. halimbawa, siya yung unang "sumusuyo" sayo.. sa una, wala lang sayo yun, yung tipong di mo iniintindi at dehin rin binibigyan ng kulay ang gingwa niya. sa paglipas ng panahon, mrerealize mong "okey" ka na rin sa kanya. so bibigyan mo na siya ng puwang sa mundo mo. pag dumating yung time na handa ka na, magbababay naman siya sa yo. sori na lang. bad trip diba.

masasabi kong nabuhay ako sa ganung klase ng mundo for the past let's say, 4 months. sa araw na to, sa tulong na rin ng isang kaibigan, natutunan ko na masarap palang mag let go. kase napansin kong ako na lang yung umaasang mababalik pa yung nakaraan na hindi naman ako ang nagpasimula.

ang sarap. now im free. im totally free from your bondage. see you around.

Posted at 12:23 am by alps
may (3) chikiding na dumapo.  




Saturday, May 07, 2005
on being rejected...

hmm... marahil isa to sa mga feelings na ayaw niyong ma-experience.. well, ako rin.. sobrang depressing and frustrating ng ganitong feeling.. yung akala mo "you belong" sabay dehins pala..

come to think of it, si JESUS CHRIST na-reject rin siya.. di siya tinanggap ng mga tao bilang Savior.. di siya kinilala.. pero in spite of that, he still gave his life para sa atin, kahit sobrang naging makasalanan tayo..

we have all sinned. period. and its consequence is death. fire. hell. and to tell you, there is no other way to be saved, but through JESUS CHRIST. di tayo pedeng ma-save ng mga good works, traditions or whatever those things are, from hell. all we have to do is to accept and acknowledge our failures, tapos accept naten si Christ sa buhay naten bilang LORD and SAVIOR.

grabe talaga si Lord, he felt rejection by men, and he even thought that he was forsaken by his own Father. pero, he still DIED for our sins, so that we may gain life. and after three days, nabuhay siya ulet..  thanks Lord..

i would like to share this song and galing din sa Isaiah 53..

surely he took up our infirmities, and carried our sorrows
yet we considered him stricken by God,
smitten by him, and afflicted..

but he was pierced for our transgressions,
he was crushed for our iniquities,
the punishment that brought us peace was upon him,
and by his wounds we are healed...


Posted at 09:52 am by alps
chikiding na dadapo sa sanga.  




Thursday, April 28, 2005
ang grace period.. bow.

10 am ang time ko sa work... for three consecutive days one and a half weeks ago, late ako dumarating. merong 10:05, 10:09, and 10:07 ata. basta ganun. feeling ko kse parang sa skul, dba pag ang class niyo is 9am, may grace period (*church bells*) kang tinatawag sa sarili mo, na tipong 9:05 na eh masaya ka pa ring naglalakad papuntang klasrum, at feeling mo nasa buwan ka dahil sa kabagalan ng lakad mo. ang grace period (*church bells*) na ito ay yung tipong iniisip mo na:

===> "hmm.. 9am nga pala start ng class ko, what time na ba? (sabay tingin sa watch mong kenneth cole na kasing laki naman ng miguel clock.. [hi lloyd]. hehe.) oh, it's 9:05 na pala in my watch (coņo kid ka kunwari).. ok lang yan, alaws pa si prof, jumingle pa yun (naging repapips ka naman)..
  
----- sa ganitong sitwasyon, pilit mong pinapaniwala ang sarili mo na dehin ka pa late, salamat sa grace period (*church bells*).. minsan palpak.. pagpasok mo sa room, kakatawag palang ni prof ng surname mo.. sayang! pero minsan chamba, wala pa si prof, sumakit ata yung tiyan.. (diatabs please)..

marami pang pwedeng maging dahilan kaya late si prof at nagkakaron ka ng grace period (*church bells*)..

minsan nagte-take advantage ka rin sa mga prof na madasalin. yung tipong isang buong prayer book na yata ang nadadasal niya. meron pa yang isanlibong santo at santa na tatawagin at manghihingi ng dasal sa kanila bago niya simulan ang klase. panctual siya, on time pumasok sa class, pero pagdating niya, magppray pa. on time rin siyang magtapos ng klase. on time kase ung prayers niya. bell na for the next class.

minsan yung prof parang aatend ng kasalan pag pumasok ng room. daig pa minsan ang magde-debut sa kapal ng kolorete sa mukha. mam, nagkamali po ba kayo ng room? sa ballroom B po ang binyagan.

eh ang tanong, meron bang prof na wala kang karapatang magkaron ng grace period? (*church bells*).

meron. eto yung mga prof na tipong DIYOS ng isang department ng college niyo. ayokong magbanggit ng names. hehe. basta. sila yung tipong prof na walang sinasayang ni isang minuto. on time na on time sila. tipong 4pm ang class niyo, 3:45 pa lang eh nag-c-cr na yan, naghahanda, naglalakad papuntang room niyo. saktong 3:59:55 pm eh nakahawak na yan sa pinto ng room, bubuksan, papasok sa loob at ilalagay ang gamit sa table. all in 5 seconds. san ka pa?! at ang unang bati niyan ganito:

===> "ok, so what have we discussed yesterday?"

---ni hindi ka muna bibigyan ng ice breaker niyan. tipong kakatapos palang sumakit ng ulo mo from the previous subject, eh papasabugan ka kagad ng gnung tanong. dapat talaga ready.

nakaka-miss pala yung mga ganung instances ng college. ngyon, nasa real world na ko. wala ng grace period grace period chuvanesens jan.. (*church bells* *church bells*).. ngyon, pag sinabi ng boss mo na 10 am ka, 10 am ka talga. hindi 10:03, 10:05, at watever.

for three consecutive days ko sa work, hindi ko natantiya ang oras. late nga ako diba. pero in fairness, naka-formulate ako ng sked ko na dapat masunod sa araw-araw na pagpasok ko. dapat ganito.. according to my watch,

8:15 am -- ligo time chuva.
8:30-9:00 -- bihisan chuvanesens.
9:00-9:15 -- make-up achuchuchu (sori pero kelangan kase yan para presentable), ayos ng bag, etc.
9:15 -- dapat nakaalis na ng haws patungong Lrt.
by 9:30 -- dapat masaya nang nakasakay sa Lrt.
9:50 -- baba sa destinasyon at magsimula ng maglakad patungong work.
9:55 -- makakaapak ka sa door step ng store.
9:57 -- magta-time in ka na! not bad diba.

opo mga kaibigan. ganyan na nga ang nangyari sa kin sa mga sumunod na araw. ang saya-saya ko. hindi na ko nale-late. hanggang dumating ang isang araw, ngising ako ng 9:10am! opo mga kaibigan, 9:10am.

biglang bangon ako at jumingle at nag-iisip ng next move ko. 20 mins to go, dapat nakasakay na ko ng tren. nag-iisip ako kung maliligo pa ba ko o hindi na. naisip ko wag na lang. pero hindi maaari. ambaho ko na. at ang gulo pa ng buhok ko. so i took a bath, the fastest one in my history. hindi na ko naghilod. haha. kaderts noh? nagbihis kagad ako. opo mga kaibigan, nagbihis kagad ako. in fairness, i beat the time. instead of walking papuntang store, nag-walkathon ako. as in. pagka-time in, 9:58am! opo mga kaibigan, 9:58 am!

whew. dehin ako late! (sabay punas sa eliks.) haha. postive!

Posted at 10:41 pm by alps
may (1) chikiding na dumapo.  




Wednesday, April 27, 2005
unfolding everyday...

i'm learning new things everyday... astig no? palaging may bagong umaga araw-araw. astig tlga si Lord kung magbigay ng blessing..

hayun.. im starting to adjust with my life ngyon.. :-)  shempre, kina-career ko naman ang tarbaho ko.. haha.. astig.. katuwa...

nga pala, i got my first allowance na! yey..

ano kayang una kong gagawin dito???

bili ako bagong fone!

ay hinde, bili ako bagong backpack!

ay hinde.. bili na lang ako iPod! (as if naman)

ay hinde.. oo, bbili na lang ako bagong chucks ulet! (yey.)

ay hinde.. bili na lang ako dvd player.

nope nope.. bili na lang pala ako ng digicam...

ay hinde.. bili na lang ako new clothes.. tama...

ay hinde pa rin..

ah alam ko na.

kanino ba nanggaling ang blessing na to? diba kay God.

tama. He deserves my first salary.

un ung natutunan ko.

thank you Lord. love you.

Posted at 09:42 pm by alps
may (1) chikiding na dumapo.  




Sunday, April 24, 2005
mga buntong hininga....

hhhaaaaaaaayyyyyyy.

bakit ganun.

ang hirap pala ng feeling ng na-ppressure.

haaaaaayyyyyyyyy ulet.

okey lang naman saken yung utusan.

sobrang wala sakin yun.

kahit ilan pa yan.

sana lang walang kasamang pang-ppressure.

nakakataranta.

gusto kong wala na munang iniisip.

ngayon.

haaaaaayyyyyyy.

mag-ba-blog na lang ako.

=(

Posted at 12:06 am by alps
may (2) chikiding na dumapo.  




Tuesday, April 19, 2005
mwehehe...

im beginning to love my work..

sarap palang magtrabaho...

hehehe..

lalo na siguro kung malaki ang kita..

hmmm... (sabay himas sa baba..)

:-)

Posted at 07:57 pm by alps
chikiding na dadapo sa sanga.  




Saturday, April 16, 2005
mahal ko na yata siya...

im talkin about a guy.

di gaanong gwaping.

mahilig sa musika.

specifically kumakanta siya and naggigitara.

marami rin [sigurong] nagkakagusto sa kanya, di lang ako.

magaling talga siya. astig.

mahal ko na yata siya. haha. exag naman. la lang, i just really like his music. his voice. his style. astig siya. i really admire the way his band carries a song. gusto ko pa mga songs nila. haay. ka-in love 'bay!

mahal ko na yata siya. di ako mapakali pag naaalala ko siya. hay.

mahal ko na yata siya.

sino?

si voy nyolante.

ay mali. nyoy volante pala.

Posted at 09:58 pm by alps
chikiding na dadapo sa sanga.  




Previous Page Next Page
 

ako si alps



pano maging si alps?

dapat mahal mo ang kulay GREEN



dapat mahal mo ang mga cheeseburgers.



dapat mahal mo ang chucks. everyday shoes 'to. kahit naka-formal sa skul, or ojt. masaya to.




dapat mahal mo ang musika.


dapat mahal mo si JESUS


tsaka dapat kulot ka at malupet ngumiti



pero everyone is unique eh.. isa lang si alps.


   





 
<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30






 
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed