Entry: been hooked lately... Tuesday, August 30, 2005



oh men. this is terrible. ive been hooked into watching the television lately.. sounds ordinary diba? but what is so exceptional is the show that ive been into. guess what.. naaaliw ako sa awayan ng dalawang "religious" groups.. Iglesia ni Cristo (INC) VS. Ang Dating Daan (ADD)..

no offense sa dalawang grupo na to, pero i think they are just wasting their time debating and cutting each other's throat sa mga bagay na hindi ko lang sure kung nalalaman o naiintindihan ba nila. i cant understand them. it seems that they piss each other off, masyadong pinapansin yung mali ng kabilang grupo.. im not saying na hindi tama ang pumuna ng kamalian, if ever, pero POR PABOR, bago naman tayo mamuna ng kamalian ng iba, tignan muna natin yung mga dapat baguhin natin. these two groups have been debating for years and i dont think that it will help them grow. what good effect will it bring sa dalawang "religious" groups na to?? hay buhay. debate dito, debate dun. both claim that they are the "right way", the "true way".. ano ba talga gusto nilang palabasin? there is just ONE WAY.. si JESUS..

dahil avid viewer nga nila ako (naks, ginawang primetime show ang bangayan nila!), madalas kong mapanood ang mga testimonies ng dalawang groups. may mga taong nagsasalita from ADD na dating members ng INC.. sila-sila rin ang nagsisiraan.. parang nag-aagawan lang sila ng miyembro. POR PABOR, hindi paramihan ng miyembro ang issue.. then when i change channel naman, may nagte-testimony na member ng INC na dati namang taga-ADD.. ano ba talaga? to tell you guys, hindi naman religion ang mahalaga eh.. what is important is yung RELATIONSHIP mo kay JESUS CHRIST.. kung kilala mo ba Siya at kung kilala ka ba niya.

oo nga, you are trying to be knowledgeable about the whole bible... you've read it from cover to cover for a hundred times.. kabisado mo lahat ng verses.. kabisado mo pages ng bibile mo.. pero if you do not know who CHRIST is----> bale wala ka kaibigan. makipag-debate ka man kahit kanino, manalo ka man sa lahat ng ka-debate mo, maging ikaw man ang pinakamatalinong tao about the bible... you are good for nothing kung hindi mo ito alam by HEART. kung puro talino lang, im sorry but you're just a PRETENDER.. but im not saying that we should not read the bible na.. we should just remember that we should know our bible by heart..

siguro ang pinakamasakit na pwedeng mangyari is yung nakikipag-debate ka sa mga tao about the bible.. about JESUS.. about GOD.. tapos palagi kang nananalo.. tapos yung mga tao super elibs na elibs na sayo.. ang saklap nun kase parang napupunta na sayo yung GLORY na dapat ay kay LORD..

tapos pag namatay ka, haharap ka sa Diyos, sasabihin mo:
"Panginoon, ako po yung lingkod ninyo na nanalo sa mga debate.. alam na alam ko po yung bibliya.. kabisado ko po yung mga salita niyo.. nangaral po ako sa mga tao..."  

tapos isasagot sayo ni Lord,
"pasensya ka na pero di kita kilala.."

   3 comments

alps
September 13, 2005   06:47 PM PDT
 
hi ge.. honga eh..

hayun. nakakaawa talga ang pinas.. but still, di ko to iwanan. kahit isang tao lang kayang magsimula ng pagbabago.
ge
September 13, 2005   09:54 AM PDT
 
Hi Alps. Long tym na dood.

Oo nga, minsan pag ako ay nagchachanel surfing, napapanood ko nalang ang kanilang debate. For me naman, hindi lang debate ang isyu, kundi pati narin ang kanilang doctrine on salvation. Naawa ako sa ating bayan na dahil sa kahirapan ang daming mga tao ang nauto sa mga kulto at relihiyon.
pareng oca
August 31, 2005   02:22 PM PDT
 
ang galing mo mareng winnie! nyahahaha! 'stig ah! buti ka pa pwdeng manood nyan, pag ako ang nanood, yarog ako sa tatay ko! hahahaha...

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments