Entry: disiplina lang naman ang kelangan eh Tuesday, September 13, 2005



ngayon ko lang talaga na-feel na mainis sa mga kalsada ng pilipinas. pero hindi lang yun. kahit yung mga tao nakakainis rin.


ano ba tong nangyari sa araw ko? nakakatawa naman... pero asar pare. pagbaba ko ng lrt station, andami ng mga tricycle drivers ang nag-aabang ng mga pasahero sa hagdanan pa lang. kahit di ka sasakay, pag-aagawan ka parin. ang ingay. everytime may bababa ng hagdan, magsisigawan ang mga driver sweet lover. animo'y may piyesta ng kung sinong santo. asar pare. tapos makikita mo sa tabi ng kumpulan ng mga tricycle (kumpulan kase hindi sila nakapila) ang sign na "NO LOADING AND UNLOADING". ang saya diba. pipiktyuran ko yun pag may camera na ko.

hindi na ko sumasakay ng trike pagbaba ng station.. nilalakad ko na lang hanggang sa amin. nakakainis yung mga driver sweet lover kase sila pa yung may lakas ng loob na sigawan ako pag patawid na ko, eh sila naman yung nanggagaling sa kung saan saan. remember, wala silang pilahang sinusundan. kumpulan sila at sinasalubong nila yung lane. HELOW, MGA KUYA MANONG?! sana naman po magkaron tayo ng disiplina jan.

pati yung mga TAMBUCHO ng mga sasakyan. lalo na yung sa mga jipni, traysikel, BUS, fx, trak... lahat na. may pangarap ako sa mga magiging anak ko. kelan kaya magiging maayos ang pinas? sana bago ako magkaron ng pamilya at mga anak. gusto ko kasi silang mabuhay ng maayos. dun sa malinis at maayos na lugar, kung saan ay alam ng mga tao kung pano mabuhay sa DISIPLINA.

DISIPLINA. DISIPLINA. DISIPLINA. mahirap ba siyang ispelingin? di naman ah, kung may disiplina ka. eto ang kulang sa buhay ng mga pilipino. naniniwala akong magiging maayos ang mundo kung may disiplina. kahit hindi ka man tapos sa pag-aaral, o wala ka mang narating, basta alam mo kung pano ginagamit ang disiplina, daig mo pa ang isang may pinag-aralang wala nito. kahit sa mga malilit na bagay pwede namang gawin to ah.

eksampol na lang yung pagtawid. di ko lang alam kung tinuruan ba ng mga magulang nila ang mga taong basta-basta na lang humaharurot sa pagtawid sa mga daanan kahit na hindi pa pwedeng tumawid. natatandaan ko kase nung mga 6 yrs old pa ko, pinasyal ako ng nanay at tatay ko sa kanto. tinuruan nila ko kung pano tumawid ng tama. dapat daw maglalakad ka sa tamang tawiran, tapos hihintayin mo kapag nakita mo ng umilaw yung green na tao. ganun. if ever namang hindi gumagana ang traffic sign na yun, kumuha ka na ng telepono at i-report mo sa gobyerno. ay mali, hindi pala. pag hindi gumagana yun, edi hintayin mo na lang na mag-red ang traffic sign ng linya ng pagtatawiran mo. MAHIRAP BA YUN? eh yung mga pinoy, kahit di pa naka-red yung sign ng pagtatawiran nagtatakbuhan na para tumawid, makita lang na malalayo pa ang kotse. siguro sumisigaw pa sila sa utak nila ng "RUN FOR YOUR LIVES!!"... tapos pag nabusinahan naman ng kotse or kamuntikan ng mabangga, ang lakas pa ng loob na manduro sa driver ng kotse, sabay sabi ng "HOY, IKAW @#$*&@$!!!!"... o diba. astig. wala kasing disiplina sa paghihitay. bakit, pag naghintay ka ba ng tamang oras sa pagtawid, mamamatay ka? kapag naging patient ka ba sa paghihintay masusunog ka ba? o are you gonna be stoned to death? di naman di ba.

mga pinoy talaga nagmamadali. sana lang kung may patutunguhan ng maayos yun. sa pagtawid, nagmamadali. sa pagkita ng pera, nagmamadali parin. kaya tuloy andami-daming sari-sari stores nationwide. o sige, mag game tayo. paramihan ng sari-sari store sa baranggay. go. 

naalala ko tuloy, may pinuntahan kaming isang lugar malapit sa amin. dito dito lang. naglakad lang kami ng about 10-12 minutes. mahigit limampu (50) sari-sari stores ang nakita namin. yung iba, magkakatabi pa!

BIBILI: "ale, dalawang packs ng paminta nga po.."
TINDAHAN 1: "(naghanap...) ay, sandali lang ha. oy mare, may paminta ka ba diyan?!"
TINDAHAN 2: "mare meron, bakit?"
TINDAHAN 1: "pagbilan ngang dalawa, wala na kase akong stocks dito eh"
TINDAHAN 2: "o sige, eto.. wan pipti ang isa."
TINDAHAN 1: "okey, eto ang tatlong piso. salamat ha..."
BIBILI: "ale magkano po?"
TINDAHAN 1: "o etong paminta mo. dos isa."

ganun siguro ang almost-everyday-situation nila sa pagtitinda. at least diba, magkakatabi sila ng tindahan, bigayan na lang. im just wondering kung pano yung kompitensya nila dun. mala cut-throat competition kaya?

ilan lang to sa mga problema ng pilipinas. i hope makasulat ako ng libro soon. kahit naman masaklap dito, di ko pa rin siya iwanan. i believe even one person can start to make a difference. sige, tama na. bka mainis ka na sakin.





   3 comments

ge
September 14, 2005   07:14 PM PDT
 
ay isama mo na rin ang mga tricycle.
ge
September 14, 2005   07:08 PM PDT
 
hindi sa elitista ako ah...

pero sinusumpa ko na deins ako sasakay ng kahit anong PUJ o bus sa pinas...dahil balang araw ay gusto kong ipunin lahat ng mga buwisit na PUJs at bus at itapon sa isang malaking trash incinerator.
apol
September 14, 2005   06:24 PM PDT
 
wohooho... was about to publish an entry about this alps pero natuwa na'kong mabasa 'to! hehehe... see yah!

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments